≡ Menu

NATATAKOT MASILIP? Franklin Drilon, nagbabala kay Pangulong Duterte tungkol sa pakikialam sa kontrata ng Maynilad at Manila Water

NATATAKOT MASILIP? Franklin Drilon, nagbabala kay Pangulong Duterte tungkol sa pakikialam sa kontrata ng Maynilad at Manila Water

Binunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na binalaan siya dati ni Senate Minority Floor Leader Franklin Drilon ukol sa pagsilip sa maperwisyong kontrata ng dalawang water concessioners na Maynilad at Manila Water.

Hinirit ni Pangulong Duterte ang pagtingin sa kontrata ng mga water service provider dahil sa ilang probinsyon ng kontratang nilagdaan ng Maynilad Water Services Inc. ng Salim-Consunji group at Manila Water Co. ng Ayala group, partikular ang siguradong kita kahit pa hindi matupad ang ilang mandato katulad ng paglagay ng sewerage pipes at waste treatment facility.

“I remember Drilon making a side remark when I was talking about these contracts. And he said, “Dahan-dahan ka diyan Presidente kasi…” Siya lang ang tumatawag ng Presidente. Mayor man ang… Hindi man ako presidente. Tapos sabi niya, dahan-dahan ka diyan because we can lose millions and billions of pesos in damage’,” ayon sa Pangulo.

“Senator Drilon, are you one of those who crafted the contract? I’m asking you,” aniya pa.

Matatandaan na miyembro si Drilon bilang senior counsel ng ACCRALAW kung saan naging tulay para maging private entity ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).

Sinabi ito ng Pangulo matapos utusan ang administrasyon na magbayad ng P3.6 billion sa Maynilad at P7.4 billion sa Manila Water dahil sa nakuhang loss dahil sa delay sa pagtaas ng singil sa tubig.