in

P300-B investment deals, inaasahang maiuuwi ni Pangulong Duterte sa kanyang pagbisita sa Japan

Inanunsyo ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na inaasahang mag-uuwi si Pangulong Rodrigo Duterte ng P300-billion na halaga ng investment deals mula sa biyahe nito sa Japan.

Mababatid na dadalo ang Pangulo sa Nikkei’s 25th International Conference on The Future of Asia na gaganapin mula sa May 30-31, 2019.

Sinabi ni Lopez na mayroong 20 business arrangements ang bubuoin na may kinalaman sa infrastructure, manufacturing, electronics, medical decices, business process outsourcing, power, electricity, transport, automotive, food manufacturing at marine manpower industries.

Pipirmahan ng Pangulo ang lahat ng mga ito sa sidelines ng kanyang pagbisita sa Japan.

Ayon pa kay Lopez, patuloy na isinusulong ng DTI ang mga investments mula sa iba’t-ibang bansa upang mabigyan ng disenteng trabaho ang mga Pilipino.

“The Department of Trade and Industry is consistently pursuing investments from all countries to provide decent employment opportunities to Filipinos. This is part of President Duterte’s Tapang at Malasakit approach to nation-building and DTI’s priorities, summed up as Trabaho, Negosyo, Konsyumer,” ani Lopez.

Samantala, umaasa naman ang gobyerno na ang mga lalagdaang mga kasunduan ng Pilipinas kasama ang Japan ay ang magbubukas ng 80,000 bagong trabaho para sa mga Pilipino.

Nakarating na din sa Japan ang Pangulong kung saan ito dadalo sa international business forum at makikipag-pulong kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment