Pulis sa Benguet, instant babysitter para tulungan ang namamalengkeng nanay ng isang sanggol

Pulis sa Benguet, instant babysitter para tulungan ang namamalengkeng nanay ng isang sanggol

Nag-viral sa social media ang pagiging ‘instant babysitter’ ng isang babaeng pulis sa Kabayan, Benguet habang namamalengke ang nanay ng isang sanggol.

Makikita sa mga larawan ang isang pulis na hawak-hawak ang isang sanggol.

Pansamantalang binantayan muna ni Police Corporal Nimfa Camis ang sanggol bilang pagtulong sa inang kailangang mamalengke.

Nagbabantay si Camis sa mga customer ng Tiongsan Rolling Store Caravan nang makita niya ang isang namamalengkeng nanay na bitbit ang kanyang sanggol kahit na may banta pa ng COVID-19.

Kinausap ni Camis ang isang babae ng mapansin na may bitbit itong sanggol dahil bawal pa namang lumabas ang mga bata.

Ipinaliwanag naman ng nanay ang kanilang kalagayan at naintindihan naman ito ng pulis.

Kaya naman nagboluntaryo na siyang bantayan muna ang sanggol habang namimili ang nanay ng bata.

Pinuri naman ng mga netizen ang kabaitan ni Camis at binantayan pa ang sanggol habang namimili ang ina.

Sa ngayon, nasa modified general community quarantine (MGCQ) parin ang Benguet bilang pag-iingat sa COVID-19.