fbpx

P3.75-trillion 2019 national budget, lagda na lamang ni Pangulong Duterte ang hinihintay



Read: Paano maging updated sa PhilNetizen sa inyong Facebook News Feed?

Matapos ang mahigit isang buwang pagka-antala, handa na ang proposed 2019 P3.75 trillion national budget na pipirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Naihabol ang ratipikasyon ng House of Representatives at Senado ng bicameral conference committee report, isang araw bago mag-break ang Mababang Kapulungan para sa May midterm elections.

Ang ratipikasyon ay ginawa isang oras makalipas aprubahan ng mga Senador at miyembro ng House of Representatives ang 2019 budget.

Matatandaang nabigo ang mga mambabatas na ratipikahan ang budget noong December 31, 2018 deadline dahilan para gamitin muna ng gobyerno ang reenacted 2018 budget sa pagsisimula ng taon habang nakabinbin din ang pagtaas ng mga sahod ng mga empleyado ng gobyerno.

Ang pagka-antala ay sanhi ng mga akusasyon ni Appropriations Committee Chairman Rolando Andaya Jr. kay Budget Secretary Benjamin Diokno sa umno’y insertion nito na P75 billion para sa public works allocation.

READ:  Universal Health Care Act na magpapalawak ng saklaw ng PhilHealth, pirmado na ni Pangulong Duterte

Matatandaang inakusahan ni Andaya ang Diokno sa tangkang pagsuhol sa mga mambabatas sa diumano’y iregularidad sa 2019 budget. Ito ay itinanggi naman ni Diokno at Enero 15 nang alisin ang naturang halaga.

Masaya naman ang Malacañang sa budget ratification lalo’t nagkasundo ang dalawang kapulungan ng Kongreso sa 2019 proposed national budget.

“We are pleased that both Houses of Congress have reconciled their differences and made a unified approbation of the General Appropriations Bill. Indeed there is no obstacle we cannot hurdle if we put our hearts to it, with only the interest of the Filipino people in mind,” ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Tiniyak ni Panelo na sa oras na matanggap ng Executive Branch ang enrolled General Appropriations Bill, dadaan ito sa masusing review para masigurong lahat ng item rito ay naaayon sa Saligang Batas at kapaki-pakinabang sa mga Pilipino.

“We assure the nation that the Executive Branch upon its receipt of the enrolled General Appropriations Bill will thoroughly review the same to ensure that all items comply with the Constitution and the law, and more importantly, they redound to the benefit of the Filipino people,” ani Panelo.

READ:  NLEX Harbor Link Segment 10, bubuksan na; 30K motorista makikinabang sa expressway

Tungkol naman sa mga akusasyong tadtad ng pork barrel ang P3.75 trillion national budget, sinabi ni Panelo na titiyakin ng Malacañang na susunod ang national budget sa Konstitusyon.


Like it? Share with your friends!

Leave a Comment