fbpx
≡ Menu

Pangulong Duterte binatikos si Sen. Grace Poe: Hindi lahat ng tao sa mundo ay magnanakaw. Better control your mouth

Hindi na nakapagtimpi si Pangulong Rodrigo Duterte sa ginagawang pagpigil ni Senator Grace Poe na pagkalooban siya ng emergency powers na gagamitin para resolbahin ang problema ng matinding daloy ng trapiko sa bansa lalo na sa EDSA.

“Pero ‘yang Edsa, hinayaan ko talaga. There was this one lady senator who said na: ‘No, no, ma-corrupt ‘yan.’ Hindi pa nga nag-umpisa ng project, nagsasalita na,” saad ni Pangulong Duterte sa pagsasalita niya sa oathtaking ng League of Vice Governors of the Philippines officers sa Malacañang.

“Ano sabihin ko kay Grace: ‘Grace, hindi lahat ng tao dito sa mundong ito magnanakaw. Better control your mouth na holier-than-thou ka,” dagdag ng Pangulo.

Samantala, tinawag na palusot ni Poe ang dahilan ng Department of Transportation (DOTr) na dahil sa hindi pagbibigay ng emergency power sa Pangulo kaya hindi maresolba ang matinding trapiko.

“Ang nakikita ko ngayon, kahit sila mismo alam nila sa kanilang konsensya na pwede silang kumilos na wala ‘yun. Ang sa tingin ko, at hindi na ako magpapatumpik tumpik pa, ay ginagamit nila itong rason kung bakit hindi nila nasosolusyunan ang trapik,” sabi ni Poe.

Sa pagdinig sa Senate Committee on Public Services ay sinabi ni Transport Sec. Arthur Tugade na kailangan ang emergency power para agarang masolusyunan ang krisis dahil mapapadali nito ang procurement at implementasyon ng kanilang programa.

Agad na iginiit ni Tugade na kung maaga sanang naibigay ito ay matagal na sanang natapos ang problema sa trapiko.

Diin naman ni Poe na isang excuse o palusot na lamang ang hindi pagbibigay ng emergency power pero ang totoo ay nagkulang sa pagtratrabaho at pag-iisip ang ahensya para masolusyunan ito.

Ikinumpara naman ni Poe si tugade kay Finance Sec. Carlos Dominguez na masipag makipag-usap kung naniniwalang urgent ang isang panukala sa kaniyang ahensya.

WATCH: Pahayag ni Sen. Grace Poe kaugnay sa mungkahing paggamit ng emergency powers upang masolusyonan ang problema sa trapiko sa Metro Manila