Coco Martin sa pagsuporta sa renewal ng TV network: Ang laban para sa ABS-CBN franchise ay laban ng mga Pilipino

Coco Martin sa pagsuporta sa renewal ng TV network: Ang laban para sa ABS-CBN franchise ay laban ng mga Pilipino

Naging usap-usapan sa social media ang naging pahayag ng aktor ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ na si Coco Martin sa isinagawang prayer rally sa labas ng ABS-CBN compound nitong Biyernes, Pebrero 21 para sa franchise renewal ng network.

Iginiit ang aktor na ang laban para sa franchise renewal ng ABS-CBN ay laban hindi lang ng mga empleyado at artistang gaya niya kundi ng mga Pilipino.

“Hindi ko hahayaan na isang araw magising na lang ako na ‘yung pinagkakautangan ko ng loob, ng maraming empleyado, na nagbibigay sa’min ng hanapbuhay para matupad ang aming mga pangarap ay mawala na lang nang bigla,” pahayag ni Coco.

“Kinakailangan naming ipakita ang aming suporta, hindi lang kami, hindi lang lahat ng nagtatrabaho sa ABS-CBN kundi ang lahat ng mga Pilipino kasi hindi natin dapat pigilan ang tao na makapagsalita. Kailangan na maging malaya pa rin tayo kung ano ang opinyon natin at saloobin natin. Kailangan mapanindigan natin at masabi natin kung ano ang nararamdaman natin tungkol sa mga bagay-bagay na nangyayari sa ating bansa,” sabi pa ng aktor.

Mababatid na madalas patamaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ABS-CBN sa hindi pagpapalabas ng kanyang campaign advertisement noong 2016 presidential election.

Source: Abante News