in

17 bagong school buildings sa Leyte, pinagawa ng Duterte government para sa susunod na pasukan ng klase

Pinangunahan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) engineering office sa ikalawang Distrito ng Leyte ang konstruksyon ng 17 bagong school buildings para sa susunod na pasukan ng klase.

Ang mga naturang school buildings ay matatagpuan sa Pinamopoan Senior High School (SHS), Mariano National High School (NHS), at Asuncion Melgar NHS sa Capoocan town; Patoc NHS sa Dagami; Barugo Central School I at Barugo NHS sa Barugo, Leyte; at Agapito Amado NHS sa Jaro, Leyte.

Ang mga school buildings ay kumpleto ng pasilidad tulad ng mga palikuran, emergency exit para sa kaligtasan at seguridad ng mga mag-aaral at mga guro.

Kaya din daw labanan ng naturang gusali ang mga kalamidad tulad ng malalakas na bagyo at lindol.

“These classrooms are equipped with toilets and emergency exit stairs for safety and security of the students and faculty members. Through this project, the government will be able to address the need for more classrooms,” pahayag ni District Engineer Gerald Pacanan.

Ang naturang proyekto ay pinondohan sa pamamagitan ng P371.39 million Basic Educational Facilities Fund (BEFF) ng Department of Education (DepEd).

Ang BEFF ay pondo mula sa School Building Program ng DepEd para sa pagpapagawa ng mga gusali at pagmementine ng paaralan.