fbpx
≡ Menu

Killer ng mag-asawang senior citizen sa Quezon City, todas matapos mang-agaw ng baril

Killer ng mag-asawang senior citizen sa Quezon City, todas matapos mang-agaw ng baril

Napatay ng mga pulis ang walang awang pumatay sa mag-asawang senior citizen sa Quezon City matapos magtangkang tumakas at kunin ang baril ng isang pulis.

Sa report na inilabas ng Philippine National Police (PNP), nabaril ng pulisya si Cal Joseph Bañanola, pangunahing suspek sa pananaksak sa mag-asawang sina Nicolas Austria, 86-anyos, retiradong Engineer, misis nito na si Leonora, 87-anyos, retired goverment employee at kanilang kasambahay sa Barangay San Agustin, Novaliches.

Ayon kay Roselle Cejas ng Quezon City Police District (QCPD) Station 4, nasa Kalayaan Avenue at pabalik na sana sila sa QCPD Headquarters ng Camp Karingal matapos isailalim sa inquest proceedings sa piskalya ang suspek.

Hiniling umano ng suspek na luwagan ang kaniyang posas sa Kalayaan Avenue kaya pinagbigyan naman ito ng nakabantay na pulis, ngunit bigla na lang umanong inagaw ng suspek ang baril nito.

Dahil dito, napilitan si Cejas na barilin ang suspek.

Naidala pa raw sa East Avenue Medical Center ang suspek, ngunit idineklara itong dead on arrival.

Nasa drugs watch list ng barangay ang suspek at umamin na naka-droga nang gawin nito ang krimen kung saan walang awang pinagsasaksak at pinalo pa ng tubo hanggang sa mapatay ang mga biktima.

SUSPEK SA PAGPATAY SA MAG-ASAWANG SENIOR CITIZEN SA NOVALICHES, ARESTADO

SUSPEK SA PAGPATAY SA MAG-ASAWANG SENIOR CITIZEN, PATAY MATAPOS UMANONG MANLABAN SA MGA PULIS