fbpx
≡ Menu

Kapitan ng bangka na binangga umano ng Chinese vessel, nag-sorry kay Pangulong Duterte

Kapitan ng bangka na binangga umano ng Chinese vessel, nag-sorry kay Pangulong Duterte

Humingi ng paumanhin kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kapitan ng bangka na binangga umano ng Chinese vessel sa Recto Bank sa nauna niyang komentaryo na nagpapakitang umat­ras siya sa sinasabing pakikipagpulong sa Pangulo.

Ayon sa kapitan ng F/B Gem-Ver 1 na si Junel Insigne, hindi niya alam na si Agriculture Secretary Manny Piñol ang gustong makipagkita sa kaniya sa Maynila.

Naunang sinabi ni Insigne na makikipagkita siya sa Pangulo para mag-demand ng danyos sa pagbangga sa kaniyang bangka pero umatras ito dahil sa masama ang kaniyang pakiramdam.

Katabi si Piñol, humi­ngi ng paumanhin si Insigne kay Pangulong Duterte dahil pinalilitaw sa pahayag niya na inisnab niya ito.

“Humihingi ako ng paumanhin sa ating mahal na Presidente, na hindi po pala ako pinatawag niya kundi si Secretary Piñol po ang nagpatawag sa amin. Hindi po ako natuloy, umatras ako dahil masama ang pakiramdam ko,” sabi ni Insigne habang nasa tabi niya si Piñol.

Sa ngayon, nakangiti na si Insigne matapos makuha ang tulong pinansyal at mga bagong bangka na handog ng gobyerno.

“So hindi po totoo ‘yung balita na mayroong imbitasyon ang Pangulo na makipag-usap sa kanila. This was a manufactured statement. By whom? I don’t know,” saad naman ni Piñol.