fbpx
≡ Menu

Lalaki sa pagawaan ng chorizo sa Iloilo City, nilamon ng gilingan ng karne

Lalaki sa pagawaan ng chorizo sa Iloilo City, nilamon ng gilingan ng karne

Halos kalahati ng katawan ng isang lalaki ang nilamon ng makinang panggiling ng karne sa pinatatrabahuhan niyang pagawaan ng chorizo sa Iloilo City.

Kinilala ang biktima na si Jomar Julbo, 18-anyos, trabahante sa pagawaan ng chorizo sa Barangay Mansaya-Lapus sa Iloilo City.

Batay sa inisyal na ulat, aksidenteng naipasok ni Jomar ang kaniyang kanang kamay sa makina dahilan para tuloy-tuloy na siyang lamunin nito.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.