BOBO SPOTTED? Kapitan sa Tarlac, ipinagpipilitan na hindi exempted sa curfew ang mga food delivery rider

Inulan ng batikos mula sa netizens ang kapitan ng Brgy. Santo Cristo sa Tarlac matapos ipagpilitan nito na hindi umano exempted sa curfew ang mga food delivery rider.

Ayon sa uploader ng video na si Allan Pontawi, “Mga taga-Tarlac, bawal daw muna kami mag-deliver ng gabi. Hindi daw kasi kami 24/7. Mga frontliner din naman kami. ‘Yang nasa tabi nga ng McDonald’s na nagtitinda ng yosi 24 hours hindi niya mapagbawalan pero bakit kami pinagbabawalan niya. Ano po ba talaga ang tama? Bakit magkakaiba pa ng ipinapatupad? Nagkakalituhan na tuloy.”

Dahil sa insidente, naglabas ng pahayag si Tarlac City Mayor Cristy Angeles at sinabi na, “Exempted ang online food deliveries from curfew and checkpoints dahil ang food is considered essential basta dapat susunod sila sa strict IATF protocols.”