in

58-anyos na magsasaka, patay matapos atakihin ng kaniyang alagang baboy sa Romblon

Patay ang isang magsasaka matapos atakihin ng kaniyang alagang baboy sa Odiongan, Romblon.

Kinilala ang biktima na si Tanny Baladjay, 58-anyos, residente ng Barangay Progreso Weste sa bayan ng Odiongan.

Ayon sa pamangkin ng biktima, nag-iigib lamang ng tubig ang kaniyang tiyo nang lumapit sa kaniya ang alagang baboy at atakihin ito.

“Narinig ko sila na tinatawag ‘yung pangalan ni tatay. Kaya nagulat ako, tumayo ako du’n sa kinatatayuan ko, nakita ko si tatay na nakaupo sa may puno ng niyog tapos pagtayo niya madami nang dugo na lumalabas sa paa niya,” saad ng pamangkin.

Sinubukan pang tumakas ni Baladjay ngunit nang siya ay madapa, pinagkakagat ng baboy ang kaniyang mga binti at puwet.

Sinugod pa sa Isiah Medical Center si Baladjay ngunit dineklara ring dead on arrival dahil sa pagkaubos ng dugo.

Kasunod ng pag-atake, ang baboy ay pinatay at inilibing din pagkatapos.

Hindi pa rin alam ng mga kaanak ng biktima kung bakit inatake ng baboy ang kaniyang amo gayong kakapakain pa lamang nito bago ang insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0