in

Pangulong Duterte, ipinag-utos sa NBI at PNP-CIDG na ipasara ang KAPA; relihiyon, ginagamit sa pangongolekta ng investment

Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa National Bureau of Investigation (NBI) at maging sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na isara na operasyon ng KAPA Community Ministry International Inc. o KAPPA (Kabus Padatoon) ni Pastor Joel Apolinario.

Sa panayam ni Pasto Apollo Quiboloy, sinabi ng Pangulo na syndicated estafa ang ginagawa ng KAPA dahil sa pangongolekta ng investment gamit ang relihiyon, kaya dapat na itong matigil agad.

“To the CIDG, the police, the special investigating teams, including NBI — that is pyramiding. That is why you shut them down and haul them (to courts) upon my orders,” utos ng Pangulo.

Ayon sa Pangulo, kahit Bangko Sentral o Bank of America ay hindi magbibigay ng 30% na buwanang interest sa ilalagak na investment, gaya ng ipinapangako ng KAPA sa kanilang mga miyembro.

Kaya paulit-ulit ang babala ng Pangulo sa publiko na huwag paloloko sa ganitong pyramiding scam na nangangako na aniya’y “too good to be true.”

“You are into syndicated estafa that is why NBI, sarhan mo na sila at dalhin mo doon sa.. upon my orders, upon my orders, otherwise I said, do not,” ani Pangulong Duterte.

“When it is too good to be true, it is fraud. Ito kayong mga Pilipino, ilang beses ko na kayong sinabihan na, pag ang – what is being promised to you, is something like heaven, walang bangko dito or maski Bank of America can afford to pay P30,000 every month for your P100,000 investment,” dagdag ng Pangulo.

Paliwanag ng Pangulo, na ang mga pera na binibigay sa mga buwanang pay outs ay galing rin sa mga nakokolektang pera mula sa mga miyembro, at kapag wala ng ma-recruit ay dito na magkakaproblema at hindi na mababayaran ang mga bagong miyembro nito.

Ang pahayag ng Pangulo ay kasunod nang pag-isyu ng freeze order ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) laban sa KAPA at ang serye ng mga paalala ng Securities and Exchange Commission (SEC).

Kung maaalala una na ring naglabas ng cease and desist order (CDO) ang SEC laban sa operasyon ng KAPA, dahil sa patuloy nitong pangongolekta ng mga investments na tinatawag nilang “donation” at ang pay outs naman nito ay tinatawag nilang “love gift.”

WATCH: KAPA, NAIS IPASARA NI PANG. DUTERTE; PAGTANGGAP NG INVESTMENT, MALINAW NA SYNDICATED ESTAFA

WATCH THE FULL VIDEO: GIVE US THIS DAY BY PASTOR APOLLO C. QUIBOLOY WITH SPECIAL GUEST PHILIPPINE PRES. DUTERTE

WATCH: KAPA! THE LARGEST INVESTMENT SCAM IN PHILIPPINE HISTORY