CONFLICT OF INTEREST! Harry Roque, pumalag sa pangunguna ni Grace Poe sa hearing hinggil sa franchise renewal ng ABS-CBN

CONFLICT OF INTEREST! Harry Roque, pumalag sa pangunguna ni Grace Poe sa hearing hinggil sa franchise renewal ng ABS-CBN

Pinalagan ni former Presidential Spokesperson Harry Roque ang pagdinig ng Senate Committee on Public Services ukol sa prangkisa ng ABS-CBN. 

Ayon kay Roque, mayroong conflict of interest dahil ang ina ni Senator Grace Poe na si Susan Roces ay nagtatrabaho sa nasabing media network bilang aktres at Chief Executive Officer (CEO) of FPJ Productions.

“Ang sa akin bakit naman pamumunuan ni Senator Grace Poe itong pandinig na ito, samantalang mayroon siyang conflict of interest? Ang nanay niya nagtatrabaho sa ABS-CBN, yung library ng tatay niya na si FPJ ay binili at pagmamay-ari ngayon ng ABS-CBN,” sabi ni Roque.

“Ang sa akin, bagamat ikaw ay halal na Senador, mataas na opisyales kuno, ikaw yung magpapakita na mataas ang iyong ethical standards,” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Roque, labag sa batas ang gagawin ng senado dahil dapat muna magmula sa Kongreso ang pagdinig sa mga panukalang batas na may kaugnayan sa mga franchise bill.

Ang prangkisa ng Kapamilya Network ay nahaharap ngayon sa matinding suliranin matapos maghain si Solicitor General Jose Calida ng quo warranto petition sa Korte Suprema.

Ayon kay Calida, may mga pang-aabuso at paglabag silang natuklasan na ginagawa umano ng ABS-CBN.

Source: SMNI News