in

Babae, natagpuang patay at walang saplot sa katawan sa damuhan sa Kananga, Leyte

Isang babae ang natagpuang patay at walang saplot sa katawan sa damuhan sa Barangay Rizal, lungsod ng Kananga, Leyte, Biyernes, Abril 12.

Kinilala ni Police Major Jimmy Boy Balasanos, hepe ng Kananga Police Station, ang biktima na si Mary Cris Porsalida at nakatira sa nasabing barangay.

Ayon kay Balasanos, isang residente sa lugar ang nakadiskubre sa patay na katawan ni Porsalida.

Kaya agad na ni-report sa awtoridad ang insidente.

Natagpuan ang biktima na walang saplot sa katawan at naliligo sa sariling dugo.

Kinumpirma ni Balasanos na ni-rape ang biktima bago ito pinatay, base sa initial findings.

Samantala, hindi pa masabi ng kapulisan kung ilang tao ang sangkot sa brutal na pagpaslang at ano ang motibo sa krimen dahil patuloy pa ang imbestigasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment