fbpx

Higit 16K volunteers, nakiisa sa ‘Battle for the Rivers and Esteros’; 37K kilos ng basura nakuha sa cleanup



Umabot sa mahigit 16,000 volunteers ang nakiisa sa isinagawang cleanup operation sa mga estero at ilog na konektado sa Manila Bay bahagi ng rehabilitasyon ng dagat.

Nanguna sa tinaguriang “Battle for the Rivers and Esteros” ang mga opisyal ng Departments of Environment and Natural Resources (DENR), Interior and Local Government (DILG), Tourism (DOT), at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon kay DENR Undersecretary Benny Antiporda, lumahok sa clean-up drive ang nasa 16, 309 volunteers at 181 barangay upang ma-rehabilitate ang Manila Bay.

Aniya, nakakolekta sa isinagawang cleanup ng 37,103 kilo ng basura na nailagay sa 5,301 na sako.

Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, dapat munang ituon ang atensyon sa pinagmumulan ng problema at ito ay mga basura at colliform na nanggagaling sa informal setllers dahil kapag naresolba aniya ito ay lilinis na ang Pasig River at ang Manila Bay.

READ:  Rescue operation tuloy dahil sa mga boses at text mula sa gumuhong Chuzon Supermarket sa Porac, Pampanga

“Habang pumupunta kami sa esteros, maraming hidden problems ang lumalabas. We will implement properly the Ecological Waste Management Act,” ani Cimatu sa Estero de Magdalena sa Tondo.

Muli naman pinaalala ni Interior Secretary Eduardo Año ang kaniyang utos sa mga opisyal ng 5,700 barangay sa Metro Manila, Central Luzon at Calabarzon na maglunsad ng lingguhang cleanup ng mga daluyan ng tubig sa kani-kanilang mga lugar.


Like it? Share with your friends!

Leave a Comment