in

Antonio Trillanes, Liberal Party, may pakana ng “Ang Totoong Narcolist” video ayon kay Peter Advincula

Itinuro ni Peter Joemel Advincula alyas Bikoy, sina Sen. Antonio Trillanes IV at Liberal Party bilang utak sa lahat ng episode 1 to 5 ng “Ang Totoong Narcolist” na kontra sa malalapit kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa press conference sa Philippine National Police (PNP), nakonsensya umano si Advincula kaya’t sumuko sa mga awtoridad.

Aniya, nakausap niya si Trillanes ukol sa paggawa ng video — 9 na buwan umano ang tinagal para makumpleto ito.

Partikular nitong tinukoy sina Senador Antonio Trillanes IV, Senadora Risa Hontiveros at Senadora Leila De Lima.

“Actually after this press conference, kung maniniwala pa ang tao sa akin… ang lahat ng nangyari sa Totoong Narcolist, video episode one to video episode five, ‘yung na-record ko, lahat ‘yun pawang scripted, pawang kasinungalingan,” saad ni Advincula.

“Itong paputok ng kay Bikoy [ay] para ma-discredit si Senator-elect Bong Go, ‘yung iba pang mga sangkot na pulitiko… ‘Yun ay pawang orchestrated lamang ng Liberal Party under the handle of Senator Antonio Trillanes IV,” aniya pa.

WATCH: PETER ADVINCULA TAGS TRILLANES, LIBERAL PARTY BEHIND “BIKOY” VIDEOS