in

Lalaki, arestado matapos gahasain ang pinsan na 1-taong gulang sa Cagayan de Oro

Kalaboso ang isang padyak driver sa Cagayan de Oro matapos gahasain ang pinsan niyang 1-taong gulang pa lang.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, ibinilin at pansamantalang iniwan ng ina sa suspek ang batang biktima, pero pagbalik raw nito ay wala nang tigil sa pag-iyak ang sanggol.

“According sa initial investigation namin dito sa office, alleged na-rape raw ‘yung anak nung complainant po,” sabi ni Patrolwoman Jennifer Husayan ng Women and Children Protection Desk.

Inamin naman ng suspek na pinagsamantalahan niya ang bata habang wala sa bahay ang ina ng bata.

“Totoo sir pero hindi ko alam kung bakit ko ‘yun nagawa. Nawala na ako sa sarili ko. Ni hindi ko na nakilala ang aking tiyahin,” sabi ng suspek na nahaharap ngayon sa reklamong rape.

PANOORIN: PADYAK DRIVER, ARESTADO MATAPOS UMANONG GAHASAIN ANG ISANG TAONG GULANG NA PINSAN

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0