in

PTB ng Marinduque Airport, bubuksan na ng Duterte administration matapos matengga ng 6 taon

Bubuksan na ang pinakahihintay ng mga taga-Marinduque, ang mas pinaganda at mas pinaayos na Marinduque Airport.

Ang Passenger Terminal Building (PTB) ng paliparan ay natenggang wasak mula noong taong 2013, nang matigil ang operasyon nito. Matagal na panahon ding nanatiling maikli ang runway nito.

Pero ngayon, matapos tahimik na tinutukan ng Department of Transportation (DOTr) at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang rehabilitasyon ng Marinduque Airport, naayos na ang sira-sirang PTB at nalagyan na rin ng aircon.

Mayroon na ring x-ray machine sa paliparan para sa mas mahigpit na pagpapatupad ng seguridad dito.

Bukod sa mga ito, nakumpleto na rin noong ika-19 ng Nobyembre 2018, sa pangunguna ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), ang pagpapalawig ng runway ng paliparan na magbibigay-daan para makatanggap ito ng mas malalaking eroplano.

Dahil sa matagumpay na proyekto, nito lamang ika-1 ng Abril ngayong taon, muling nakapaglunsad ng commercial flights mula sa Marinduque Airport.

Dinarayo ang Marinduque para sa isa sa mga pinakasikat na pista sa bansa — ang “Moriones Festival.”

Sa lalawigang ito rin matatagpuan ang ilan sa mga pinakamatatandang simbahan, ang Boac Cathedral at Sta. Cruz Church.

Patuloy na itinataguyod ng DOTr at ng mga kaakibat nitong ahensya ang pagpapaibayo ng connectivity at mobility sa bansa, upang makapaghatid ng maginhawang buhay sa mga Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0