fbpx
≡ Menu

Passenger Terminal Building ng Catarman Airport, pinaganda ng Duterte administration para sa mga Pilipino at turista

Kung noon ay luma at sira-sirang gusali ang sumasalubong sa mga turistang lumalapag sa isa sa mga pangunahing paliparan sa Northern Samar na Catarman Airport.

Nakalulunos sapagkat kabilang pa man din ang Catarman Airport sa mga itinuturing na “principal airport” ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Pero ngayon, kasunod ng pagpasok ng Duterte administration, agad ipinatupad ng Department of Transportation (DOTr) ang pagsasaayos ng Passenger Terminal Building (PTB) at pagpapalawak ng runway ng paliparan.

Ayon sa DOTr, mas maganda at matibay na ang bagong gawang PTB ng Catarman Airport para sa maginhawa at komportableng pagbiyahe ng mga tutungo at aalis sa lalawigan.

Kaya na ring tumanggap ng Catarman Airport nang mas malalaking eroplano dahil sa pinalawak na runway nito, bagay na inaasahang magdaragdag sa air passenger volume ng Northern Samar.