fbpx

Leni Robredo sa propaganda drug videos ni Bikoy: Kasi ako, sigurado ako, hindi kami



Itinanggi ni Vice President Leni Robredo ang mga alegasyon na ang Liberal Party (LP) ang nasa likod ng mga lumalabas na propaganda video na nagsasangkot sa iligal na droga sa mga pamilya at kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Robredo, sigurado umano siya na hindi sila ang may pakana ng mga video ni alyas Bikoy na may pamagat na “Ang Totoong Narco List” dahil siya mismo ay hindi pa nakikita ang naturang videos.

“Kasi ako, sigurado ako, hindi kami. Ako nga, hanggang ngayon, hindi ko pa nakikita iyong lahat na videos,” ani Robredo.

Nalulungkot umano ni Robredo na lahat ng negatibong bagay na ipinupukol sa administrasyon ay ang LP at mga tagasuporta nito na tinatawag na “dilawan” ang napagbibintangan.

“From Day 1 — 2016 — every time may negative na sasabihin sa pamahalaan, para kaming whipping boy… parang whipping boy iyong mga dilawan,” ani Robredo.

READ:  Baganga, Davao Oriental, niyanig ng magnitude 4.7 na lindol; naramdaman sa iba’t-ibang panig ng Mindanao

“Medyo nakakatawang kaunti kasi alam naman natin na after the presidential elections, nagkaroon ng exodus. Iyong mga kasama namin, halos lahat, kaunting-kaunti na lang iyong natitira, nasa administration party na. So kapag sinasabing iyong dilawan iyong behind this, sino?” dagdag ni Robredo.

Mababatid naging viral sa social media ang “Ang Totoong Narco List” kung saan isinangkot sa kalakaran ng iligal na droga sa bansa sina presidential son Paolo Duterte, presidential daughter Veronica “Kitty” Duterte, senatorial candidate Bong Go at maging ang common-law wife ng Pangulo na si Honeylet Avanceña.


Like it? Share with your friends!

Leave a Comment