fbpx
≡ Menu

Hitsura ng pagbabago ng Bagong Maynila matapos maisailalim sa clearing operations, ibinahagi ng netizens

Hitsura ng pagbabago ng Bagong Maynila matapos maisailalim sa clearing operations, ibinahagi ng netizens

Naging usap-usapan ngayon sa social media ang bagong hitsura ng mga pangunahing kalsada at lugar na madalas puntahan sa lungsod ng Maynila.

Ito ay matapos ipag-utos ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang clearing operations sa mga nasabing lugar bilang parte ng kampanya laban sa illegal vendors at maibalik ang kalinisan ng lungsod.

Binigyang diin ni Moreno na papayagan lamang niya ang vendors na mag hanap-buhay sa legal na paraan.

Kaya naman ang ilang commuters at mamimili, ibinahagi sa social media ang resulta ng isinagawang paglilinis ng awtoridad at lokal na pamahalaan.

Ayon kay Mark Adrian, naninibago siya sa kalagayan ng Divisoria ngayon.

Biro ni Aklanong Gala, nananaginip daw ba siya dahil sa wakas puwede nang dumaan ang mga jeep sa mga kalsadang puno dati ng illegal vendors.

Pinasalamatan ng Facebook page na Manila Viral sina Moreno at ang pulisya dahil sa kasalukuyang estado ng Blumentritt.

Ipinakita naman ni netizen Charles ang before and after look ng Carriedo.

Hiling ng publiko, sana hindi ningas-kugon at mapanitili ni Moreno ang nasimulang programa.