Lalaking siklista, nahuli sa akto habang pinapakain ang maselang bahagi sa isang pulibi na may problema sa pag-iisip

Nag-viral sa social media ang kuhang video ng isang netizen kung saan makikita na pinapakain ng isang lalaking siklista ang kanyang maselang bahagi sa isang pulubi na may problema sa pag-iisip sa gilid ng daan sa East Service Road, Barangay Bicutan sa Taguig City.

Sinita ang suspek ng isang grupo ng kababaihan habang kinukuhanan siya ng video.

Kaya agad namang tumigil sa ginagawang panghahalay ang lalaki at naglakad papalayo para sumakay sa kanyang bike.

Agad naman na nahuli ang suspek at nasa kustodiya na ngayon ng mga pulis.

Kinilala ang suspek na si Wilmor Galario y Gallego at nahaharap sa kasong Republic Act 8353 o mas kilalang The Anti-Rape Law of 1997.