21 menor de edad na katutubong estudyante, nareskyu sa mga umano’y NPA sa loob ng University of San Carlos sa Cebu City

Nareskyu ang 21 menor de edad na katutubong estudyante mula sa isang retreat house ng umano’y NPA front organizations sa loob ng University of San Carlos sa Cebu City.

Sa panig naman ng unibersidad, ang mga menor ay bahagi ng 42-person delegation na nakibahagi sa modular schooling activity noong March 2020.

Nakatakda na sana silang bumalik sa kanilang mga komunidad ang 14 na dalaga at 7 binata ngunit naantala dahil sa lockdown.

“The rescue operation is a manifestation that the reds have been continuously engaged in recruiting minors to be trained as child warriors which is a clear violation of International Humanitarian Law” pahayag ni PNP chief Police General Debold Sinas.

Sinabi ng mga pulis na nagmula pa ang mga ito sa Talaingod, Davao del Norte at dinala ng mga komunistang NPA sa University of San Carlos Retreat House sa Cebu City.

Lumalabas din sa inisyal na imbestigasyon na kinuha ang mga bata ng NPA front organizations mula sa isang salugpungan School kung saan dalawang taon na silang sinasanay para maging future child warriors at dinala sa Cebu para itago sa kanilang mga pamilya.

Kinokonsidera naman ng Police Regional Office 7 investigators ang pagsasampa ng serious illegal detention, human trafficking, at kasong paglabag sa International Humanitarian Law maging sa Special Protection of Children in Situations of Armed Conflict.

Nilinaw rin ni PNP spokesperson Police Brigadier General Ildebrandi Usana na hindi nila hinarass ang mga nareskyung bata.

“That report was slanted and malicious. Twenty-one Lumad minors from Talaingog Davao del Norte were actually rescued from a number of arrested suspects,” sabi ni Usana.

Dagdag ni Usana, kasama pa ang mga tribal leaders ng Talaingod at mga magulang ng nawawalang mga bata sa rescue operation, na ipinagpasalamat pa ang pagkakaligtas ng mga kabataan mula sa NPA.

This video was released today on the rescue operations of the Manobo children in Cebu City