in

Paolo Duterte, hinamon ang nagpakilalang ‘Bikoy’ at binira ang pagtanggap ng IBP sa isang scammer

Binatikos ni presidential son at dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) makaraang lumutang sa kanilang tanggapan ang isang lalaki na nagpakilalang si alyas “Bikoy.”

Hinamon ni Paolo si Peter Joemel Advincula na magsampa ng kaukulang kaso kaugnay ng mga alegasyon nitong sangkot siya sa illegal drug trade.

“Mula sa pagiging kilalang scammer, ngayon ay certified na na artista itong taong nagpakilalang Bikoy. Ganito. Puro satsat. Panay drama. Mag-sampa ka ng kaso. Sasagutin kita. Haharapin kita. Isama mo rin si Trillanes,” pahayag ni Paolo.

Inihayag ni din ni Paolo ang kanyang pagka-dismaya sa IBP dahil sa pagtanggap kay Advincula.

“Kapanipaniwala daw ang mga alegasyon ni Bikoy sabi ng IBP. Ano? Wa mo kuyapi?”

“Nakakawala ng respeto ang IBP. Mga abogado kayo, matatalino sana kayo, pero, nakapagtataka lang na ang bilis ninyong paniwalaan ang sinasabi ng isang kilalang scammer na nagpakilalang si Bikoy,” aniya.

Napaulat na isa si Paolo sa mga indibidwal na sinasangkot ni Bikoy, ang naka-hood na lalaki sa serye ng mga video na “Ang Totoong Narcolist” na sinasabing di umano’y sangkot sa kalakalan ng iligal na droga sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0