fbpx

Isang Chinese national, arestado matapos sabuyan ng taho ang isang pulis sa MRT



Read: Paano maging updated sa PhilNetizen sa inyong Facebook News Feed?

Hinuli ng mga awtoridad at nakakulong ngayon ang isang Chinese national na nanaboy ng kanyang taho sa isang police officer na tumangging papasukin siya sa loob istasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) dahil sa nagpapatuloy na ban sa liquid.

Sa inilabas na pahayag ng Department of Transportation (DOTr) kaugnay sa naturang insidente, naganap umano ito dakong alas-8:30 ng umaga sa MRT-3 Boni Station kung saan pinagbawalan ni PO1 William Cristobal si Jiale Zhang, 23-anyos, dahil sa dala niyang bottled taho.

Sinubukang ipaliwanag ng pulis ang bagong direktiba laban sa pagdadala ng liquid items sa mga istasyon ng LRT at MRT, ngunit nagalit umano ang babae.

Dahil sa pagsaboy nito ng kanyang taho sa pulis, binitbit ang babae sa police detachment kung saan siya humingi ng tawad.

Nauna na kasing ipinagbawal ng pamunuan ng MRT-3 ang pagpasok ng anumang uri ng bottled drinks sa loob ng mga tren.

READ:  Lalaking 2 oras pa lang nakalalaya sa city jail, nangholdap at sinaksak pa ang biktima

“The DOTr MRT-3 would like to stress that tighter security measures being implemented inside our trains and stations means no harm to our passengers. We are being cautious since we put in our topmost priorities the safety and security of our passengers and personnel following attacks in Mindanao,” pahayag ng pamunuan ng MRT-3.

“Moreover, it should also be noted that even before the recent ban of bottled water, drinks and liquids, consumption of unsealed food and drinks are prohibited inside trains and stations as this can cause inconvenience, accident and delay to our operations,” dagdag na pahayag.

Nahaharap ngayon ang Chinese national sa kasong direct assault, disobedience to agent of person in authority at unjus vexation.

WATCH: NCRPO CHIEF GUILLERMO ELEAZAR CONFRONTS THE CHINESE NATIONAL WHO THREW A CUP OF ‘TAHO’ TO A POLICE OFFICER


Like it? Share with your friends!

Leave a Comment