fbpx

Borongan Beach sa Eastern Samar, sumailalim clean-up drive; nasa 1,500 volunteers ang lumahok



Read: Paano maging updated sa PhilNetizen sa inyong Facebook News Feed?

Tila napakalakas makahawa ng isinasagawang clean-up drive sa Manila Bay. Dahil dito, muli na namang pinatunayan ng mga Pilipino ang tunay na depinisyon ng bayanihan.

Napag-alaman na nagsimula na rin ang clean-up drive sa Borongan Beach sa Eastern Samar kung saan mahigit 1,500 na volunteers ang nakilahok para linisin ang baybayin.

Ayon kay Cherrie Ann Calacal, presidente ng Borongan City Tour Guides Association, nais nilang itaas ang kamalayan ng mga taga-Borongan, lalo na sa mga kabataang bumibisita sa kanilang parke sa tabi ng Baybay village.

“When our group was formed in December, our first project was to conduct an information drive to remind the public where to dispose their trash. Then the Manila Bay cleanup happened. We were inspired to create a bigger project involving the community, so the coastal cleanup of Baybay Borongan came about,” sabi ni Calacal.

READ:  Clark International Airport, kumita ng P1-B sa ilalim ng Duterte administration

Aabot sa 5 truckloads ng basura na binubuo ng mga driftwood at mga bunot ng niyog ay hinila mula sa baryo malapit sa ilog ng nasa 70 na organisasyon na sumali sa nasabing aktibidad.

Kamakailan ay pinangunahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang “solidarity walk” at clean-up drive sa Manila Bay.

Sinundan naman ito ng clean-up drive sa kahabaan ng Baseco sa Tondo, Maynila na nilahukan ng mga kababayan natin para muling malinis ang lugar.

Naghatid ng inspirasyon ang bayanihan sa Manila Bay upang pukawin ang isipan ng maraming Pilipino na makiisa na sa pangangalaga sa kalikasan.

Marami ang nagboluntaryo at naglaan ng oras upang ipakita ang malasakit sa mga pagbabagong pinapangarap ng halos lahat ng mamamayan.


Like it? Share with your friends!

Leave a Comment