Sekyu na nagligtas sa 3-anyos na bata mula sa nasusunog na sasakyan, pinarangalan dahil sa ipinakitang katapangan

Pinarangalan ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Davao ang isang guwardiyang sumagip sa isang 3-anyos na batang lalaki mula sa nasusunog na sasakyan.

Nangyari ang pagkilala sa kabayanihan at katapangan ni Kenneth Brian Cangke sa culminating activity ng BFP para sa Fire Prevention Month.

Sa kuha ng CCTV sa Davao City, mapapanood ang pagsagip ni Cangke sa batang nasa loob ng nasusunog na sasakyan sa labas ng isang paaralan. 

Mapapanood din na kumuha ng fire extinguisher si Cangke para apulahin ang apoy.

Nanawagan ang BFP sa lahat na suriin ang kanilang sasakyan o bahay para maiwasan ang sunog at ingatan ang kanilang anak.

PANOORIN ANG VIDEO DITO: https://bit.ly/3mfEpDj