≡ Menu

Babaeng nagkamali ng pasok ng kwarto sa lodging house, nakatalik ang roomboy

Babaeng nagkamali ng pasok ng kwarto sa lodging house, nakatalik ang roomboy

Labis ang pagsisisi ng roomboy ng isang lodging house sa Butuan City na nagpadala siya sa init ng romansa ng babaeng kostumer na nagkamali umano sa pagpasok ng kwarto rason na may nangyari sa kanila.

Ayon sa suspek na si Albert Caerlang, residente ng Alegria, Surigao del Norte, nagpahinga lamang siya sa kalapit na kwarto kung saan nag-check-in naman ang isang kostumer kasama ang kanyang kasintahan nang maramdaman umano niyang hinahalikan na siya na kanya namang sinabayan.

Napag-alaman na umihi lamang umano ang babae ngunit nagkamali pala nang pinasukang kwarto kung kaya’t laking gulat na lamang nito na iba na ang kanyang katabi hanggang matapos ang romansa.

Sumuko naman si Caerlang sa mga awtoridad sa kanilang bayan matapos magreklamo ng babae management ng nasabing lodging house.

Dali namang dinala siya sa Butuan City Police Office upang harapin ang kasong rape na isinampa laban sa kanya ng babae na nagkamaling pumasok sa kanyang kuwarto.

“Pumasok po siya sa kwarto kung saan ako nagpapahinga sir, kasi 24-hours akong naka-duty. Bigla na lang akong pinaghahalikan tapos alam mo naman, sir, lalaki ako kaya nakipagsabayan na rin ako sir. Hindi naman po siya pumalag dahil nasasarapan din hanggang sa nakaraos din ako sir.”

“Lumabas po ako at sumunod po siya. Doon niya nalaman na iba ang nakasiping niya sir. Makokonsidera po bang rape yon, sir, eh siya naman ang pumasok sa kwarto at unang gumapang po sa akin?” pahayag ni Caerlang.