Kim Chiu, pinagkakitaan ang ‘Bawal Lumabas’ meme at humirit na naman ng nakakahilong sagot

Kim Chiu, pinagkakitaan ang ‘Bawal Lumabas’ meme at humirit na naman ng nakakahilong sagot

Muli na namang umani ng iba’t ibang reaksyon sa social media ang video ng nakakalitong komento ni Kim Chiu sa latest interview niya na lumabas sa ABS-CBN network.

Sa puntong ito, gusto sanang ipaliwanag ni Kim kung paano naging positibo ang kanyang pananaw pagkatapos siyang atakihin ng mga bashers sa kanyang nakalilitong komento noon kung saan ay inihalintulad niya ito sa isang classroom na may batas.

“Parang nabuhayan ako na natayo ko yun. Para siyang umikot, not 360, parang ‘oy dito tayo, punta tayo dito’ yung ganun? Di ko naman, from a stranger, from a stranger yung nangyari,” paliwanag ni Kim.

Dahil dito ay marami na naman ang naguluhan sa kanyang sinabi at umani na naman ito ng iba’t-ibang comments sa iba’t-iba ring social media platforms.

Kung matatandaan ay naging viral ang magulong explanation noon ni Kim tungkol sa analogy niya sa quarantine.

Ngunit pagkatapos niyang ma-bash, ito ay gi nawa niyang kanta na may titulong “Bawal Lumabas, The Classroom Song” at nang nai-release ay agad ding naging trending sa YouTube.

Naglabas din si Kim ng “Bawal Lumabas” merchandise kung saan nagbebenta siya ng mga t-shirt na nagkakahalaga ng P295 bawa’t isa.

Ang kikitain ay itutulong daw niya sa fund-raising activity para sa pambili ng mga test kits, na pinangungunahan ni Angel Locsin.

Sa ngayon ay inaasahang maghi-hit na naman ang maguloong komento ni Kim at malamang ay magkaroon daw ng part 2 ang “Bawal Lumabas” song.