fbpx
≡ Menu

Pangulong Duterte sa pangbabatikos ni Leni Robredo: Kung ikaw presidente ng PH, paktay na. You do not even read a book

Binuweltahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo matapos batikusin ang payo niya sa mga pulis na tanggapin ang mga regalo mula sa publiko kung ito naman ay bilang pasasalamat.

Hayagang sinabi ng Pangulo na magdurusa ang bansa kapag nag-asam si Robredo ng mas mataas pang posisyon sa gobyerno.

“I quoted the very words (of) anti-graft and corrupt practices. There are exemptions, nominal and I used the word nominal and out of gratitude. It is not bribery because it is allowed by the law. What I mean is if there is generosity and then sabi ng anti-graft you cannot accept gifts, kalokohan ‘yan,” saad ng Pangulo sa Outstanding Government Workers Awards Rites sa Malacañang.

“Leni claimed it’s illegal and unconstitutional. I said, ma’am, if you are the president of the Philippines, we’re dead. You do not even read the book. I can forgive Lacson for coming out with an erroneous tongue but not Robredo, who is a lawyer,” dagdag pa niya.

Magugunitang sinabi ni Robredo na ang mga pulis na tatanggap ng regalo ay lalabag sa Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

WATCH: PANGULONG DUTERTE SA PAGBATIKOS NI SEN. PING LACSON AT VP LENI ROBREDO