in

Leni Robredo sa pag-aresto kay Maria Ressa: Kung nagkasala, eh ‘di kasuhan para mapanagot sa pagkakasala

Nagbigay ng opinyon si Vice President Leni Robredo sa kanyang programa sa radyo na BISErbisyong LENI ukol sa pag-aresto kay Rappler CEO Maria Ressa.

Iginiit ni Robredo na kung nagkaroon umano ng pagkakasala si Ressa ay kasuhan na lang daw ito para mapanagot sa batas.

“Hindi naman natin sinasabi na bigyan ng special treatment. Pero iyong sa atin lang, kung nagkasala, eh ‘di kasuhan para panagutin kung may pagkakasala, pero ito kasi, parang nakikita natin na sini-single-out,” sani ni Robredo.

Ang pahayag ni Robredo ay matapos arestuhin si Ressa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa kasong paglabag sa Anti-Dummy Law.

Ngunit agad na nagbayad ng 90,000 pesos si Ressa sa branch 268 ng Pasig Regional Trial Court para sa pansamantalang kalayaan nito.

Matatandaang nag-ugat ang naturang kaso sa reklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) sa pag-iisyu ng Philippine Depositary Receipts sa Indonesian company na Omidyar Network na sinasabing investor ng online news website na Rappler.

Sakaling mapatunayan ang pagkakasala, posibleng makulong sina Ressa at ang mga board members ng Rappler ng hanggang labing limang taon.