in

Lalaking nag-spoil ng Avengers: Endgame, nabugbog ng mga manonood pa lamang nito

Isang lalaki ang nabugbog matapos nitong i-spoil ang pinakaabangang final Avenger movie na Avengers: Endgame.

Napuno sa galit ang mga nakapila pa lamang sa isang sinehan nang magsisigaw ang lalaki ng ‘spoiler’ ng pinakapinag-uusapang pelikula.

Nagawa umano ito ng lalaki pagkalabas pa lamang niya ng sinehan na kinagalit naman ng mga nakapila na papasok pa lamang ng sinehan dahilan para siya’y makuyog at mabugbog.

Ayon sa mga saksi, biglang nagsisigaw ang lalaki ng mga mahahalagang nangyari sa kontorbersyal na pelikula na dinumog sa unang araw pa lang ng pagpapalabas nito.

Makikita sa larawan na nakaupo na lamang ang lalaki na ginagamot ang natamong sugat matapos mabugbog.

Mababatid na wala pang isang linggo nang unang ipalabas sa mga sinehan ang pelikula ay tumabo na ito ng 1.2 billion na kita sa buong mundo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0