≡ Menu

Komunistang organisasyon na nagpapanggap na human rights group, ibinunyag ni Pangulong Duterte

Komunistang organisasyon na nagpapanggap na human rights group, ibinunyag ni Pangulong Duterte

Binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang human rights group na Karapatan kung saan tinawag niya ito bilang “front” ng mga komunistang rebelde at organisasyon ng mga demonyo ng Pilipinas.

Ang nabanggit na grupo aniya ang nag-uudyok at nagpapalakas sa mga armadong grupo sa Negros para maghari-harian sa lalawigan at pumatay ng mga hindi sumusunod sa kanila.

“Kayong mga Karapatan, mga samahan ng mga demonyo ng Pilipinas. You know what you did in Negros, it did—is not just fighting. The danger there is you are now implementing the commune system of the discredited communist party strategy,” anang Pangulo.

Sinabi ng Pangulong Duterte na naging chapter president siya noon ng National Alliance for Justice, Freedom and Democracy bago ito pinalitan ng pangalan na Karapatan, na front ng kilusang komunista kaya alam niya ang ginagawa ng mga ito.

“Huwag ninyo akong lokohin kay galing ako diyan. Let us not, you know, I’ve been there. You know I’ve been there. “That Karapatan used to be known as the Nationalist Alliance for Justice, Freedom and Democracy. I was the chapter president there,” ani Pangulo.

Sinabi rin ng Pangulo na ang Communist Party of the Philippines (CPP), sa tulong ng kanang kamay nito na New People’s Army (NPA) ay nagpapatupad na mg “commune system” sa Negros Oriental.

Kontrobersiyal na ang nabanggit na lugar dahil sa serye ng patayan kung saan umabot na sa higit 20 katao ang nasawi sa loob lamang ng ilang linggo.

Kamakailan ay nagpadala ang Philippine National Police (PNP) ng 300 pwersa sa probinsya para mapigilan ang serye ng patayan ngunit sinabi naman ng Palasyo na maaaring gamitin nalang ng Pangulo ang kanyang emergency powers.

Kabilang na rito ang pagdedeklara ng martial law sa Negros Oriental.

Naniniwala ang Pangulo na ang mga rebelde ang nasa likod ng pamamaslang sa Negros ngunit pili naman aniya itong sinisisi ng mga komunista sa pamahalaan.