in

Ben Tulfo sa pakikisawsaw umano ni Regine Velasquez: Make sure na may laman ang utak mo. Hindi mo ito balwarte.

Hindi napigilan ng kilalang matapang na broadcaster na si Ben Tulfo na banatan ang tweet ng Songbird na si Regine Velasquez patungkol sa pahayag ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy Locsin na may kinalaman sa pangunguha diumano ng clams ng ilang Chinese fishermen sa Scarborough Shoal.

Ayon kay DFA secretary Locsin, “I am not going down in history as a clam defender, okay? It’s a complaint; we’re looking into it; but these are just fucking food; no one goes to war for clams (maybe Oysters of Locquemariaquer) but they just happen to be our food. They should pay for them like in fish market.”

Dito binanatan ni Regine sa Twitter si DFA secretary dahil sa pagpapabaya umano nito sa mga Chinese na kumuha ng taklobo (giant clams) sa Scarborough Shoal.

“Ang akala ko pa naman matalino ka. Ako ay [simpleng] tao lamang na may simpleng pagiisip. These people are invading our territory they are not just taking food [sinisira] nila ang ating karagatan!!!!”

Sumagot naman si DFA secretary Locsin kay Regine: “Pero ang problem ay hindi po territorio natin yun. EEZ.”

Depensa ng kalihim na hindi raw ito teritoryo ng Pilipinas ngunit exclusive economic zone lamang.

“We had no idea there were clams there and really I will not let this country go down to war or lose a useful economic partner just over environmental concerns for a world I care nothing about. I care only for my people and country,” dagdag ng kalihim.

Sa isang Facebook Live ni Ben Tulfo ito ang kanyang mga komento, “Ang mensahe ko sa ‘yo, Regine Velasquez, next time you open your mouth, think. Make sure na may laman ang utak mo. Hindi mo ito balwarte. Yung kaalaman mo, itago mo na lang. Gawin mo na lang, una, kung paano ka manumbalik sa publiko na kilala ka pa, The Songbird of Asia.”

“Ano bang alam nitong si Regine Velasquez other than kumanta lamang? Ang isang entertainer na I’m not trying to pull down, I question yung kanyang credentials when it comes to college, I don’t even know if she does have any subject in Political Science.”

“So, yung statement nitong si Regine Velasquez, for me, is something na nakisawsaw, nakiangkas sa isyu na wala naman talagang alam.”

Binanatan din ni Tulfo si Vice President Leni Robredo dahil sa pag-uudyok umano nito sa mga artista na magsalita tungkol sa isyu.

“VP Leni, if I were have to talk to you about this, please don’t encourage celebrities because they are not expert in the field. Huwag mong hikayatin ang mga celebrities lalung-lalo na ang mga pipit at mga laos na. Kasi naghahanap lang ng career ang mga iyan sas ocial media para mapansin,” ani Tulfo.

WATCH: REGINE, FEELING MAS MATALINO KAY TEDDY LOCSIN!

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0