in

Boss raw ni ‘Bikoy’: Rappler, Vera Files nasa likod umano ng ‘Oust Duterte’ plot

Isang matrix ang kumakalat ngayon sa social media na nag-uugnay sa ilang media organizations para sa umanong hangarin para mapatalsik si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa artikulo ng Manila Times, makikita sa matrix ang pagkakaugnay-ugnay ni Ellen Tordecillas, presidente ng Vera Files; Rappler, Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) at National Union of People’s Lawyer (NUPL) sa ilang black propaganda video na kontra sa mga malalapit sa Pangulo.

Base sa matrix, lahat ng mga nabanggit na organisasyon ay konektado kay Bikoy, ang boses sa likod ng ‘Ang Totoong Narco List’, na galing umano sa website na metrobalita.net, ayon sa IP address.

Sa isa pang diagram na ‘Link Analysis of Email foot prints’ ipinakita ang pagkakakonekta umano ng Youtube link ng video ni Bikoy na in-upload mula sa angtotoongnarcolist@gmail.com, na ginamit umano para maka-log in sa verafiles.org ni Tordecillas.

Saad pa ng source ng Manila Times, ang black propaganda na ginawa ni Bikoy, hindi pinangalanan ang tunay na pagkakakilanlan sa matrix, ay ibinibigay umano ang mga materyales ni Tordecillas sa Rappler, PCIJ at NUPL.

Mababatid na mula mismo sa Office of the President (OP) at mismong ang Pangulo ang source ng matrix na lumabas sa artikulo ni Special Envoy for International Public Relations Dante Ang sa pahayagang Manila Times.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0