in

Babaeng nagtangkang dukutin ang 5-anyos na lalaki sa Parañaque, arestado

Naaresto ang isang 19-anyos na babae matapos niyang tangkaing dukutin ang isang 5-anyos na batang lalaki sa Baclaran, Parañaque.

Kinilala ang suspek na si Princess Jana Estabillo na nahuli matapos siyang makorner ng taong bayan habang nakatakas naman ang dalawa nitong kasamahan.

“Sinabi nung mga tao walang sasakyan [yung suspek] pero meron pa siyang mga kasama na dalawang tao na ngayon ay at large at hindi pa namin mahanap,” sabi ni Patrolman Lenard Manilang.

Aminado naman si Estabillo sa ginawa at itinuro ang isang “Miguel” bilang pinuno ng kanilang sindikato na tumatangay ng mga batang lalaki para gawing manlilimos sa Marilao, Bulacan.

“Sorry na po sa mga pinaggagawa ko sa inyo. Sorry na, ate, ha. Sorry na, tita. Sorry na sa inyo. Sana po ay mapatawad niyo po ako,” sabi ng kidnapper.

Desidido naman ang pamilya ng biktima sa sampahan ng kaso si Princess para hindi na maulit ang krimen.

PANOORIN: BABAENG NAGTANGKANG TUMANGAY SA 5-ANYOS NA LALAKI, ARESTADO

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment