in

16-anyos na babae natagpuang patay sa Lapu-Lapu City, ginahasa at binalatan ang mukha

Sinisiyasat na ng pulisya sa Lapu-Lapu City, Cebu ang posibilidad na nasa dalawa hanggang tatlong katao na nakamotorsiklo ang responsable sa pagpatay sa isang 16-anyos na babae sa Barangay Bankal sa naturang lungsod.

Ayon sa hepe ng Lapu-Lapu City Police Office na si Police Colonel Limuel Obon, mayroon na umano silang saksi sa krimen at patuloy na naglilikom ng mga impormasyon para malutas ang krimen.

At tinitignan rin ang CCTV sa nasabing simbahan para malaman kung sino ang huling kasama ng biktima.

Ang biktima ng karumal-dumal na krimen ay kinilalang si Christine Lee Silawan, isang Grade 9 student sa Maribago National High School at nagsisilbing church collector sa Sacred Heart Parish sa Barangay Pajac.

Ayon sa ina ng biktima na si Lourdes Silawan, bandang 4:00 ng hapon ng Linggo, Marso 10, nagpaalam ang kanyang anak na magsisilbi sa simbahan.

Nag-alala na raw ang ina ng dalaga nang 7:00 na ng gabi ay hindi pa ito umuuwi katulad ng ipinangako nito.

At nitong umaga ng Lunes, natagpuan ang bangkay nito sa isang 2 hektaryang lote, 500 metro ang layo sa residential area.

Hindi aniya akalain ng ina ng biktima na ito ang sasapitin ng kanyang anak.

Nadatnan na patay ang biktima, walang saplot pang-ibaba, may saksak sa leeg, at binalatan pa ang mukha.

TINGNAN ANG IBA PANG MGA LARAWAN DITO: https://www.facebook.com/JBxeouycDonaire/posts/2169176879814980

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0