PAGBASEHAN SA COMPETENCY! Leni Robredo, rumesbak kay Epimaco Densing matapos tawagin na non-essential o pabigat sa gobyerno

Niresbakan ni Vice President Leni Robredo si Interior and Local Government Undersecretary Epimaco Densing III matapos sabihin na “non-essential si lugaw” na tila parinig dahil sa kanyang patuloy na banat sa gobyerno at mga hakbang sa COVID-19 pandemic.

“Ayoko na ‘yang pag-aksayahan ng panahon. Kasi kung ganoon, bumababa yung conversation. Baka nakukulangan ng trabaho,” ani Robredo.

“Pero para sa akin may lesson ‘yun. Kasi marami akong kilala sa DILG (Department of Interior and LocalGovernment) na mga career, mga professional, napakahuhusay. Nalulungkot ako para sa kanila kapag nahahaluan ng ganitong public oficial. Lesson ito sa ating mga nasa gobyerno na tayo ang nagha-hire, nag-aapoint. Sana naman pagbasehan natin sa competency at hindi lang sa politika,” dagdag ni Robredo.

Kung maaalala, nag-trending sa social media ang video ng isang barangay official sa Bulacan dahil sa pagharang nito sa isang rider na magde-deliver ng lugaw sa isang kliyente.

Ayon sa Malacanang, “essential” o itinuturing na importanteng pagkain ang lugaw kaya maaari itong orderin, lalo na sa mga nasa lugar na may mahigpit na lockdown.

Sa isang panayam nagpaabot ng pahayag si Densing na tila sang-ayon sa sumitang barangay official.

“Tama ‘yung sinabi niya. Sinabi niya kasi, non-essential si lugaw. Hindi talaga essential si lugaw. Pero kung sinabi niya na essential ang lugaw, ‘yun tama ‘yun. Ang lugaw. Pero si lugaw ang binanggit niya. Non-essential talaga ‘yun sa paningin namin,” ani Densing.

Matapos nito ay nilinaw ng ni Densing na ang tinutukoy niyang “non-essential” na lugaw ay si Robredo.