in

Bishop Broderick Pabillo, hinimok ang taumbayan na bawasan ang paggamit ng social media sa panahon ng Kwaresma

Hinimok ng isang obispo ang mga mananampalataya na bawasan ang paggamit ng social media sa panahon ng Kwaresma upang mas magkaroon umano ng koneksyon sa isa’t-isa lalo na sa mga mahihirap at may karamdaman.

Ayon kay Manila Auxillary Bishop Broderick Pabillo, sa halip na mag-browse sa Facebook o iba pang social media pages, maaaring gamitin nang mas maayos ang oras sa loob ng 40 araw ng Kwaresma sa pamamagitan na pagdarasal, pagbasa ng Bibliya o pakikipag-usap sa may sakit o mahihirap.

“Set aside or limit the use of social media such as Facebook, Instagram, and Twitter this season of Lent as part of your Lenten sacrifice. Instead, spend the time on prayer and reflection,” ani Pabillo.

Sinabi ni Bishop Pabillo na mabuting gamitin ang apatnapung araw ng Kwaresma para makapagnilay-nilay kaysa sa ubusin ang oras sa social media.

“We can devote the time that we spend on social media on enriching our faith by praying, reading the Holy Bible, or by spending time with the sick. You give to others what you have denied yourself. Restraining ourselves from doing the things that we enjoy such as social media use is a form of sacrifice and self-discipline,” anang obispo.

“The purpose is to say ‘no’ to self so that we can say ‘yes’ to God and to others. We say ‘yes’ to God by praying more and intently during these days. We say ‘yes’ to others by [doing] various works of charity,” dagdag nito.

Batay sa datos ng social media management companies na Hootsuite at We Are Social, ang mga Pilipino ay bumababad “online” sa loob ng sampung oras at dalawang minuto kada araw.

Ang worldwide average ay anim na oras at apatnapu’t dalawang minuto at base pa sa pag-aaral, aabot sa 76 million ang mga Pinoy social media users.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment