fbpx
≡ Menu

Libreng burol para kay Antonio Trillanes, inialok ng kapwa-senador sa kanyang pag-alis sa Senado

Matapos ang panunungkulan bilang senador, posibleng maging propesor si outgoing Sen. Antonio Trillanes IV kung tatanggapin ang offer ni re-elected Sen. Nancy Binay.

Isa kasi si Trillanes sa mga ‘graduating senators’ o tapos na ang termino.

Ibinunyag ang nasabing offer ni Sen. Panfilo Lacson sa kanyang Twitter account.

Bukod pa sa pagtuturo, ilan pang pribilehiyong ibibigay ni Binay kay Trillanes ay ang libreng hospitalization sa Makati at libreng libing sa Makati cemetery.

“Senate camaraderie at its best in the 17th Congress: Sen Nancy Binay offered graduating Sen Trillanes a teaching job at the University of Makati with 24-hr free parking at the Makati parking lot, plus free admission to the Ospital ng Makati and free burial in the Makati cemetery,” ayon sa Twitter post ni Lacson.

Sa text message kay Lacson, kinumpirma nito na hindi umano totoo ang free parking at burial.

“Totoo ‘yun pero katuwaan lang sa Lounge… Dagdag ko na lang ‘yung free parking and free burial kasi si Senator Trillanes and Senator Cayetano pursued to the hilt the Senate investigation on the UMak and parking lot issues, if you recall,” pahayag ni Lacson sa isang text message.

Sa isang panayam, sinabi naman ni Trillanes na posibleng pumasok siya sa academe sa oras na matapos na ang kanyang panunungkulan sa Senado.

“I appreciated the sincere offer but I respectfully declined out of delicadeza. It was truly nice of her,” ani Trillanes.