Pilipinas, nakapasok sa Top 10 ng world rankings para sa budget transparency

Pilipinas, nakapasok sa Top 10 ng world rankings para sa budget transparency

Nakapasok ang Pilipinas sa top spot ng world rankings sa larangan ng budget transparency base sa panibagong resulta ng 2019 Open Budget Survey.

Nakuha ng Pilipinas ang Open Budget Index (OBI) score na 76 kaya napanatili ang posisyon ang number 1 position sa southeast asia at pang-10 naman sa buong mundo.

Ang nasabing score ay mataas sa iba pang bansa sa Asya tulad ng Indonesia (70), Japan (62), South Korea (62), at Thailand (61).

Sa global ranking, ito ang unang pagkakataon na nakapasok ang Pilipinas sa top 10 mula sa kabuuang 117 bansa na sinama sa survey ng International Budget Partnership (IBP).

Ang OBS ay isang global biennial survey ng IBP na nagsasagawa ng assessment ng transparency base sa halaga at mabilisang paglalabas ng impormasyon sa publiko sa walong key documents tulad ng pre-budget statement, executive’s budget proposal, enacted budget at citizen’s budget.

“We are pleased with the results of the OBS and we are very thankful to everyone who exerted extra effort in the process. May we continue finding value in transparency in our work,” saad ni Budget Secretary Wendel E. Avisado.

P353.8-B BUDGET FOR COVID-19 RESPONSE

Nakapaglabas ng P356.86 bilyon pondo ang gobyerno sa iba’t ibang ahensya at departamento kung saan sakop nito ng funding requirements response at relief efforts sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Sinabi ni Budget Secretary Wendel Avisado na kabuuang P353,860,215,840.25 ang nailabas hanggang Mayo 28, 2020 “to various agencies and departments to support COVID related interventions.”

Inihayag ni Avisado na sa pamammagitan ng “Bayanihan We Heal as One Act” ay may kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte na magre-align ng pondo ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

“This was made possible through the Bayanihan to Heal as One Act, which authorized the president to realign, reallocate, and reprogram both the 2019 and 2020 budgets,” saad ni Avisado.

Sa kabuuang nailabas na halaga, P246,526,427, 356 ang nakuha mula sa pooled savings, P96,717,896,630,000 mula sa unprogrammed appropriations, at P10,615,891,854.25 ang mula sa reprogramming ng mga umiiral na programa, aktibidad at proyekto.

Narito ang mga sumusunod na ahensya at departamento na nakakuha ng pondo:

  • Department of Social Welfare and Development’s Social Amelioration Program – P100,000,000,000
  • Department of Labor and Employment’s CAMP for OFWs – P1,500,000,000
  • Allocation to LGUs’ Bayanihan Grant for Cities and Municipalities – P30,823,759,246
  • Allocation to LGUs’ Bayanihan Grant for Provinces – P6,197,287,773
  • Department of Health’s RT-PCR SARS COV-2 Detection Kits – P1,912,500,000
  • Department of Agriculture’s ALPAS COVID-19 Program – P8,500,000,000
  • DSWD’s SAP (budget) – P96,044,703,507
  • Department of the Interior and Local Government-Philippine National Police’s Operational Requirements for Temporary Treatment and Monitoring Facilities – P93,099,182
  • Department of National Defense-Armed Forces of the Philippines’s Operational Requirements for Temporary Treatment and Monitoring Facilities – P150,702,648
  • DOLE’s CAMP for OFWs (additional) – P1,000,000,000
  • University of the Philippines-Philippine General Hospital’s Augmentation of Operating Budget – P400,000,000
  • Department of Finance’s Small Business Wage Subsidy – P51,000,000,000
  • DOH Supplemental Budget for the Health Sector – P45,717,896,630