Babaeng rider na walang helmet, walang facemask at walang lisensya, nakipagmatigasan sa mga otoridad

Isang babaeng rider ang sikat ngayon sa social media matapos itong sitahin ng mga traffic enforcer dahil sa sari-saring paglabag sa isang bayan ng Sta. Rosa sa Laguna.

Makikita sa video ang isang babaeng nakasakay sa motor na walang helmet, naka-tsinelas at higit sa lahat walang suot na facemask.

Mapapanuod din sa video na tila matapang pa ang nasabing babae at nakikipagsagutan pa ito sa mga traffic enforcer na sumita sa kanya.

Ayon sa isa sa mga enforcer, muntikan na siyang banggain ng babae at ipinagmamalaki pa nito na kamag-anak ng isang alkalde.

Ipinaalam ng traffic enforcer sa babae ang kanyang mga traffic violations lalo’t na wala itong suot na helmet at wala rin itong driver’s license na dala.

Dahil sa paglabag sa health protocols na mahigpit na ipinapatupad sa buong bansa, papatawan ng kaukulang parusa ang babaeng rider.