Paboritong Ma Ling ng mga Pinoy, ipinagbabawal ng FDA sa bansa dahil sa isang virus

Paboritong Ma Ling ng mga Pinoy, ipinagbabawal ng FDA sa bansa dahil sa isang virus

Nagpalabas ng “temporary ban” ang Food and Drug Administration (FDA) sa importation, distribution at pagbebenta ng mga processed pork meat product kabilang na ang Ma Ling na mula sa mga bansang pinaniniwalaang apektado ng African swine fever virus (ASFV).

Sa isang abiso, sinabi ng FDA na sakop ng ban ang mga processed pork meat product na mula sa Vietnam, Zambia, South Africa, Czech Republic, Bulgaria, Cambodia, Mongolia, Moldova at Belgium.

Kabilang sa mga bansang naunang pinatawan ng “temporary ban” ang China, Hungary, Latvia, Poland, Romania, Russia, at Ukraine.

Ang kautusan umano ay para masiguro na hindi maaapektuhan ang bansa ng naturang virus.

Ayon kay officer-in-charge of the FDA Eric Domingo, layunin ng ban ang siguraduhing hindi makapapasok sa bansa ang virus.

“I signed that order. It is a step taken to ensure the food security of our country and make that our livestock is not affected by the African swine fever,” sabi ni Domingo.

Kinumpirma rin ni Domingo na ang paboritong delata ng mga Pinoy na Ma Ling ay sakop ng ban.

“Yes [Ma Ling is covered by the ban]. The FDA regulatory board will go around and inspect. We also ask the public to report any sightings [of these banned products] to the FDA,” sabi ni Domingo.

Dagdag pa ng FDA, ang ASFV ay “highly contagious” hemorrhagic disease sa mga baboy, warthogs, European wild boar at American wild pigs na nagdudulot ng lagnat, kawalang ganang kumain, pagdurugo sa balat at internal organs at kamatayan sa apektadong hayop.

At kahit na hindi ito nakahahawa sa tao, sinabi ng FDA na ang sakit ay nakaaapekto ng malaki sa ekonomiya ng bansa.

MGA BANSANG BAWAL MUNANG PAG-ANGKATAN NG PROCESSED PORK NADAGDAGAN