in

Libo-libong motorcycle riders, nagtipon sa EDSA upang iprotesta ang pagkadismaya sa Doble Plaka Law

Nagprotesta ang libo-libong motorcycle riders sa People Power Monument sa Edsa upang igiit ang pagkadismaya sa Doble Plaka Law.

Kinontra ng mga riders ang probisyon ng Republic Act 11235 o Motorcycle Prevention Act, kabilang ang P25,000 na multa sa mga hindi nakapag-rehistro ng motorsiklo sa unang 5 araw nang bilhin ito.

Nasa P50,000 hanggang P100,000 naman ang multa sa motorsiklo na mahuhuling walang plaka.

Ayon kay ARANGKADA Riders Alliance chairman Rod Cruz, umaasa sila na mababago pa ang ilang probisyon ng naturang batas.

Tinuligsa rin ng mga riders ang may akda panukalang batas na sina Sen. Richard Gordon at Sen. Tito Sotto.

Ayon sa grupo, hindi rider ang mga Senador kaya hindi nito naiintindihan ang kanilang pakiramdam at kung ano ang kanilang pang-araw araw na buhay gamit ang motorsiklo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment