fbpx

Bikoy, tablado at naging kengkoy; Bong Go, naghubad para patunayang walang tattoo



Hinarap ni dating Special Assistant to the President Bong Go ang alegasyon na siya’y sangkot sa illegal drug trade sa bansa.

Sa kanyang pagharap sa press conference ng rally ng Hugpong ng Pagbabago, tumalikod sa kamera si Go sabay naghubad para ipakita ang kanyang likuran na walang tattoo taliwas sa pahayag ng mga nag-aakusa sa kanya.

“Hindi pa po ako nagkaroon ng tatoo kailanman sa buhay ko balat po marami ako sa likod. Meron daw akong tatoo sa likod hinahanap ko meron ba wala,” pahayag ni Go.

Matatandaan na sa video na may pamagat na Ang Totoong Narco List – Episode 3, si Go ang naging sentro ng talakayan na sinabing kumakamal umano ang senatoriable ng pera mula sa drug trade.

Nakuha umano ni Go ang pera sa pamamagitan ng bank account ng mga kamag-anak sa kasagsagan ng panunungkukulan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang alkalde ng Davao City.

READ:  Higit 400 aftershocks naitala kasunod ng magnitude 6.1 na lindol; mga pagyanig, magpapatuloy hanggang Mayo

Ayon sa may alyas na Bikoy, may code name umano na “TESOROGOLF-TSG-002” si Go ay nakalagay ito sa kanyang dragon tattoo sa likod.

“Nagiging kengkoy na ang kanilang video. Duda ko ‘yang nagbibintang ‘yan siguro ang totoong drug lord,” saad ni Go.

Binigyang diin ni Go na paano siya masasangkot sa iligal na droga gayung halos makipagpatayan pa sila ni Pangulong Duterte malinis lang ang buong bansa mula sa droga na sumisira sa buhay ng mga nalululong dito.

Una nang sinabi ni Go na masyado nang desperado ang mga kritiko ng administrasyon para sirain siya at si Pangulong Duterte.

Hinamon din ni Go ang mga nag-aakusa na lumantad para patunayan ang kanilang alegasyon dahil kampante siyang walang katotohanan ang mga ito at malinis ang kanyang konsensya.


Like it? Share with your friends!

Leave a Comment