Lolo na araw-araw naglalakad mula Pasay papuntang Makati, nilibre ng bisikleta dahil kulang ang perang pambili

Lolo na araw-araw naglalakad mula Pasay papuntang Makati, nilibre ng bisikleta dahil kulang ang perang pambili

Sa halip na ibenta, libreng ibinigay ng may-ari ng isang bike shop sa Pasay City ang bisikletang inaasam-asam ng isang 87-anyos na lalaki.

Ibinahagi sa Facebook ng CARBS Motor & Bicycle Parts ang nakaaantig na eksena sa pagitan ng may-ari ng Carandang Bike Shop sa Pasay City na si Fe Carandang at ni Tatay Carlos Samonte.

Kuwento ni Carandang, halos dalawang linggo nang dumadaan sa kaniyang tindahan si Tatay Carlos parta tanungin kung maari niyang bilhin ang napupusuang MTB bike sa halagang P2,000 dahil kulang ang kanyang pera ng P2,500 para sa original price na P4,500.

Kaya nang makausap niya si Tatay Carlos, hindi na siya nag-atubili pang iregalo na lamang ang naturang bisikleta.

Maliban dito, binigyan din niya ng lock para sa MTB bike si Tatay Carlos upang hindi ito mawala o manakaw.

Bakas sa mukha ni Tatay Carlos, na labis ang pasasalamat kay Carandang, ang matinding kasiyahan nang mauwi ang binalik-balikang bisikleta.

Simula raw ng umiral ang community quarantine sa Metro Manila, araw-araw naglalakad si Tatay Carlos mula Pasay City patungong Makati City upang magtinda ng kendi.