in

Bus driver, sinigawan at sinapak ng 2 babaeng motorista dahil sa away-trapiko

Nakuhanan sa video ang mainit na pagtatalo ng dalawang babaeng motorista at bus driver sa loob ng bus sa tapat ng isang mall sa Pasay City.

Makikita ang galit na galit na babaeng motorista dahil muntik na raw banggain nito ang kaniyang sasakyan, kung saan may kasama silang bata.

Nangangatwiran naman ang driver ng bus na tila sinisisi ang babae na dahilan ng kanilang pagtatalo.

Ilang sandali, isa pang babae na kasama ng motorista ang umakyat sa bus at sinuntok nito ang bus driver.

Napigilan naman na lumalala pa ang sitwasyon dahil umawat ang kundoktor, ilang pasahero at pati na ang traffic enforcer.

Bagaman iginigiit ng dalawang babae na muntik nang banggain ng bus ang kanilang sasakyan, ilang pasahero naman ng bus ang nagsasabi na ang mga motorista ang umano ang biglang sumingit sa kalsada.

Makaraang ang ilan pang minuto, umalis din ang mga babaeng motorista.

Ayon kay Edsa Traffic Chief Bong Nebrija, payo niya sa mga masasangkot na katulad na insidente na mas makabubuti pa rin na tumawag ng traffic enforcer o ireport ang mga abusadong motorista.

“Makikita niyo po dito na inakyat pa yung bus, yes ,siguro na-offend sila bago yong aksidente na to sinasabi niya muntik silang i-cut, muntik silang banggain.As a motorist you can call the attention of any enforcer and report this matter for reckless driving. kasi po yung reckless this can result to an accident, it’s an accident waiting to happen,” payo ni Nebrija.

https://www.youtube.com/watch?v=qvvAeT8vH9k

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment