fbpx
≡ Menu

PDEA chief Aaron Aquino, hinamon si Leni Robredo na sumama sa operasyon ng otoridad sa kampanya kontra droga

PDEA chief Aaron Aquino, hinamon si Leni Robredo na sumama sa operasyon ng otoridad sa kampanya kontra droga

Hinamon ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief Aaron Aquino si Vice President Leni Robredo, kanyang co-chair sa Inter-agency Council on Anti-Illegal Drugs (ICAD) na sumama sa anti-drug operation.

Nagkita na at nagpulong sina Aquino, Robredo at iba pang miyembro ng ICAD sa Office of the Vice President sa Quezon City.

“Okay iyong meeting namin today. In our coming meetings, I hope mas maraming matutunan si Vice President on law enforcement. Kaya ma’am, I would ask you to join one of our operations. I will be there, together with you,” ani Aquino sa joint press conference kasama si Robredo.

Inimbitahan ni Aquino si Robredo na makasama ang PDEA mula sa planning stage hanggang sa aktuwal na pagsasagawa ng operasyon.

“Para ma-feel po ninyo kung paano po ang ginagawa ng ating law enforcement agents. Challenge ko po sa inyo, para kung meron kaming lapses, defects, makikita niyo,” aniya pa.

Ani Aquino, layunin nitong bigyan ng pagkakataon si Robredo na malaman ang katotohanan sa anti-illegal drug campaign ng pamahalaan sa halip na maging limitado lamang ang nalalaman mula pa sa iba’t ibang testimonya hinggil sa war on drugs.

“Para po makita niyo ang actual operation, hindi lang po sa dahil sinabi ni ganito o ganyan,” ani Aquino.

Sa kabilang dako, ‘all was well’ kung ilarawan ni Aquino ang pagkikita at pag-uusap nila ni Robredo sa kauna-unahang pagkakataon.

“It is the first time I saw her. I never had the chance to talk to her before, so definitely I felt awkward kanina. Pero ngayon, medyo at home na ako sa kanya,” pahayag ni Aquino.