fbpx
≡ Menu

Ricky Reyes sa LGBTQ+ members: Kung ikaw ay may nota sa lalake ka, kapag may kipay ka sa babae ka

Nagbigay ng kanyang opinyon ang isa sa kinokonsiderang gay icon na si celebrity hairstylist Ricky Reyes tungkol sa pinagdedebatehan ngayong Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (SOGIE) Equality Bill.

Sa viral video ng interview kay Reyes na in-upload ni Timmy Basil, naitanong sa hairstylist kung suportado nito ang SOGIE Bill na naging usap-usapan matapos ang pangha-harass umano sa transgender na si Gretchen Diez matapos siyang harangin na gumamit sa pambabaeng CR sa isang mall.

“Kung ikaw ay may nota sa lalake ka, pag may kipay ka sa babae ka,” giit ni Reyes.

“Nirerespeto kita bilang tao, nirerespeto kita bilang bading, pero lumugar tayo sa tamang lugar,” dagdag pa niya.

“Let it be na lang. Basta ang bakla ay bakla. Ang bakla maski anong gawin niyo, isulat niyo ‘yan, ang bakla ay bakla. Ang bakla, gilingin mo man ‘yan, ang labas niyan baklang hamburger,” sabi pa niya.

Ayon kay Reyes, hindi na kailangan ng SOGIE Equality bill dahil tanggap naman umano sa Pilipinas ang LGBT+ community.

“Ako this year, lahat ng LGBT, nilikom ko silang lahat. Sabi ko, ‘Tigilan na ‘yang kabaklaan. Huwag na kayong magbestida sa kalye kasi lalo tayong pagtatawanan ng tao, okay? Dapat tumulong tayo sa kapwa para mahalin tayo ng tao,’” ani Reyes.

“Walang makakaintindi sa bakla kundi kapwa-bakla lamang, at ang affair ng mga bakla dapat sa atin lang ‘yan. Huwag nating ipangalandakan sa tao. Bakit kailangan kong sabihin sa madlang people na, ‘Uy, intindihin mo nga ako, bakla ako.’ Teka muna,” dagdag niya.

Hindi rin naniniwala si Reyes sa same-sex marriage dahil ang kasal umano ay para lang sa babae at lalaki.

“Ang kasal ay para lamang sa lalake at sa babae. Merong kasabihan sa Catholicism na sacrilege, pambabastos sa relihiyon. ‘Wag na. Ang pagpapakasal ibigay natin sa babae at sa lalake ‘yan, ‘di ba, kung gusto niyo ng union e ‘di mag-union kayo,” paliwanag niya.

Siya umano ay may karelasyon na ng 40 plus years pero hindi nila naiisip ang kasal.

“Bakit ako, I’m in a relationship for 40 plus years, pero we don’t go out of our way to say, ‘Kailangan namin magpakasal,’ no more. May kasabihan tayo, you never, never rock the boat if it’s not broken, pag maayos siya, go lang. Ba’t kailangan ipagsaksakan kung hindi naman magulo? Pinagugulo mo lang ang mundo.”

WATCH: RICKY REYES SHARES VIEWS ON SOGIE EQUALITY BILL